Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 74 GREG POV (AKB) "Greg, mag usap tayo. Hindi naman ganoon yung iniisip mo," ang paghabol ni Raul sa akin. Iyon naman talaga ang plano niyo diba? Plano niyo akong iwanan! Huwag mo na akong gawing tanga Raul, narinig ko lahat at nakita ko pa kung ano yung gagawin niyo. Kung hindi ako dumating? Ano na?!" "Greg, mali yung iniisip mo, kahit tanungin natin si Sab ngayon. "Huwag na Raul! Narinig ko naman ng balak niyo. In the end, tama pa rin si Andrei. Walang couple na magtatagal sa ganitong sitwasyon," ang wika ko sabay layo sa kanya. "Greg, awayin mo na lang ako, o murahin, pwede mo rin ako saktan! please! Ilabas mo yung galit mo sa akin para mawala iyang mga nasa isip mo," ang wika niya pero tila wala na akong lakas para sermunan