Isang umaga ng Sabado, hindi inaasahan ni Athena ang tawag na iyon ni Victoria. Naalala niya na bago sila maghiwalay noon ay hiningi nga pala nito sa kaniya ang cellphone number niya. "Hello, Athena! It's me Victoria. I hope you still remember me," sabi nito sa kabilang linya. "Tita Victoria! Hi, it's good to hear your voice. Bakit po kayo napatawag?" "Are you free today? I just want to invite you in my house. I'm so bored and I need someone to talk to. Kung hindi ka lang naman busy at wala kang gagawin pero kung meron it's okay. I just take the chance to call you." "Okay lang po, nag iisip nga po ako ng gagawin ngayong araw. Saan po ba ang address n'yo paki-send na lang po sa akin para mapuntahan ko kayo." "Oh, thanks! I'm so happy na pumayag ka. Huwag ka ng mag-drive, ipapasundo na