"I hope you like your room. Thank you for this wonderful day. Take a rest!" Hinaplos ni Victoria ang buhok ni Athena at humalik sa pisngi nito bago nilisan ang silid. Nailang siyang isipin na nasa iisang bahay lang sila ni Rafa at katabi lang ng kuwartong tutulugan niya ang silid nito. Ang sabi ni Victoria ay bihira lang umuwi sa mansiyon si Rafa, kung bakit nagkataon naman na naisipan nitong dalawin ang ina kung kailan narito rin siya? Minsan napapaisip siya kung inaadya bang talaga ng taghana na pagtagpuin sila? Isinantabi na niya ang ganuong isipin at tinungo ang banyo na naroon din sa loob ng silid upang mag-half bath. Binigyan siya ni Victoria ng damit pantulog at iyon ang isusuot niya ngayong gabi. Bago pa iyon at hindi pa naisusuot may etiketa pa nga at galing pa sa paperbag, isan