Masaya ang gising ni Victoria, kasalukuyan niyang pinatutugtog sa kaniyang cellphone ang paboritong kanta ni Ricardo, tuwing umaga pagkagising ay ginagawa niya iyon. Minsan ay sinasabayan pa niya ang awitin habang inaayos ang higaan ng asawa. Mahigit apat na buwan na ang nakalilipas simula ng maaksidente ito at hanggang ngayon ay nanatili parin itong walang malay ngunit hindi siya sumusuko, hindi siya nawawalan ng pag asa na isang araw ay gigising na lamang ito at magiging maayos na ang lahat. Sa mga nakalipas na buwan ay ganito ang daily routine niya. Matapos magpatutog ng paborito nitong awitin ay mag uumpisa na ang araw niya. Hihintayin ang doktor pumupunta sa silid nila upang tingnan ang kalagayan ng kaniyang asawa at pagkatapos ay babasahan na niya ito ng libro. Kukwentuhan ng mga ba
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books