Matapos ang huling Hypnotherapy session ni Athena ay sinadya niya sa ospital ding iyon si Nimfa dahil kasalukuyan itong naka-duty ngayon. "Oh, I miss you so much, Athena! How are you?" tuwang sabi ni Nimfa nang makita ang dalaga na naghihintay sa kaniyang opisina. Katatapos lang ng rounds niya at oras na ng kaniyang pahinga. "I'm okay, Tita! You're so busy, hindi magkatagpo ang schedule natin, that's why when I learned that you are here I take the opportunity to visit you. Kamusta na po kayo? Si Tito Hitaro kamusta na po?" "We're good! Hitaro is in Japan right now. Napag uusapan ka nga namin and we are planning to invite you for lunch when he comes back." "Gusto ko po 'yan. Na- miss ko na rin na makasabay kayo sa hapunan." Ngumiti si Nimfa, maya'y lumapit kay Athena at hinaplos ang mu