Nagmamadali si Rafa na tinungo ang kaniyang opisina, naglalakad siya sa pasilyo at nagulat na lamang siya ng may biglang humatak sa kaniya. Ipinasok siya sa loob ng silid, kumapit ito sa kaniyang batok at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi. Napaungol pa ito habang masuyo ginagawa ang paghalik habang si Rafa naman ay parang tuod lang na nakatayo at hindi rumiresponde sa halik nito. "f**k, Rafa! What do I need to do to win your heart?" desperadong tanong ni Paulina. Sinadya niyang hinatayin na mapadaan sa harap ng kaniyang opisina si Rafa para ito ay akitin ngunit mukhang walang nagawa ang paghalik niya rito dahil nagmistulang tuod lamang ang binata sa harapan niya. Nabigla si Rafa kaya hindi agad nakakilos at nakapag isip ng tamang gagawin ngunit sa huli ay nagawa parin niyang it