"Please, let's give a round of applause to the new Marketing Manager of Ilustre Corporation. Let's welcome to our company, Ms. Paulina Henares." Nangibabaw ang masigabong palakpakan at hiyawan ng lumabas si Paulina. Napaismid si Elise ng makita ito. Hindi niya matanggap na may magiging katunggali na siya sa pagandahan at paseksihan sa kanilang kompanya. Makikita ang kasiyahan at matinding paghanga ng mga kalalakihan sa angking ganda at kaseksihan ni Paulina. "Thank you very much for your warm welcome. It's an honor to be part of Ilustre Coporation. I am so excited to finally work with you, guys. Please let's all be friends," talumpati ni Paulina, napansin nito ang papasok na si Rafa. Hindi inaasahan ng binata na makikita itong muli at lalong hindi niya inaasahan na magta-trabaho si