Katulad ng ipinangako ni Rafa kay Athena nagawa niyang madala si Aling Berta sa bahay ng dalaga. Tuwang-tuwa ang dalawa ng muling magkita ang mga ito. Mangiyak-ngiyak si Aling Berta at hindi makapaniwala na sinuwerte sa buhay si Athena. Masaya siya para rito lalo na at nagawa parin siyang maalala nito sa kabila ng pagbabago ng estado ng buhay nito ay hindi parin nagbabago ang pag uugali ng dalaga. Ngayon ay siya na ang tumatayong ina-inahan ni Athena at nag aasikaso ng mga pangangailangan ng dalaga. "Aling Berta, sinabi ko naman sa inyong kaya ko na ang sarili ko. Mag-relax na lang kayo sa kuwarto ninyo at manuod ng mga paborito niyong drama. Huwag n'yo na akong intindihin malaki na ako." Isang gabi ng hatiran siya nito ng isang basong mainit na gatas sa kaniyang silid. "Ikaw naman, At