"Athena, in your case the best solution that I can offer is for you to undergo a Hypnotherapy. If you are decided we can start the session now." Nakaupo si Athena sa couch habang kausap ang kaibigang psychiatrist ni Nimfa na si Dra. Sarah Mendoza sa loob ng clinic nito. Huminga muna ng malalim ang dalaga bago sumagot. "Handa na 'ko, Doc," tugon niya. Ayaw na niyang ipagpaliban pa ang pagpapagamot, hangga't maari ay gusto na niyang mabuhay ng maayos at walang alalahanin. Tumango naman ang doktora at inilabas ang isang makalumang orasan na magsisilbi niyang guide kung hanggang saan lang ang itatagal ng kanilang session. "Sige lumipat ka sa kama, gusto kong maging komporatable ka habang nag uusap tayo." Itinuro nito ang single bed na naroon din sa malawak niyang clinic. Tumayo si Athena a