Natupad ang kagustuhan ni Katsumi. Ilang linggo bago ang aksidente ay lumipat siya sa sana ay magiging bahay ni Athena at Sandro matapos ang kanilang kasal. Tuwang- tuwa ang dalaga ng makita ang bagong-bago at latest model ng Mercedes-Benz sa parking. Bago pa siya makalipat ay nakakuha narin siya sa agency ng limang maid na mag aasikaso sa kalinisan ng buong bahay at magiging tagapagsilbi niya. Nang hapong iyon suot ang kaniyang two piece bikini, kahit may mga peklat pa sa katawan sanhi ng mga tinamong sugat mula sa aksidente ay hindi niya alintana iyon dahil wala namang ibang tao sa infinity shape pool sa bahay na iyon kung hindi siya lamang. Pinagbawalan niya ang mga maid na pakalat-kalat sa paligid at magpakita sa kaniya kung hindi naman niya kailangan ang mga ito. "Huh! I had to go