"Oh, s**t! What the hell is this?" Pinilit bumangon ni Katsumi. Alas kuwatro ng madaling araw noon. Masasakit ang katawan niya ng gumising at may nakakabit na dextrose pa sa kaniyang kamay. Naalala niya ang mga nangyari. Tama, naaksidente sila ni Sandro at ito na ngayon ang naging kinalabasan. Napangiti siya. "Great! I'm pretty sure na mapo-postpone ang kasal. Poor thing! Hindi mo na mararanasan ang maging masaya, Athena. Kathang isip lang kita kaya wala kang karapatan na magkaroon ng magandang buhay. Sisiguraduhin kong hindi na talaga kayo makakasal ni Sandro. Hindi ako makakapayag na mabuntis ka at magkaanak ng marami dahil siguradong masisira ang figure ko," sabi ng isip niya. Maya'y napayuko siya ng may maramdamang gumalaw sa kaniyang paanan. May nakita siyang lalake na nakangudngo