"It's a miracle that the patient didn't have much damage on her body. No broken bones, only wounds and bruises, and according to the test result that we did on her regarding on her head injury we are happy to say that she doesn't suffer a concussion. She regained her consciousness and was just sleeping. We already transfer her to a private room and you can now visit her." Abot-abot ang pasasalamat ni Nimfa nang marinig ang balitang iyon ng doktor. Nakahinga siya nang maluwag dahil maayos na ang kalagayan ni Athena. Ang totoo ay ginawa ni Sandro ang lahat para mailigtas ang nobya. Sinigurado niyang hindi ito masasaktan ng husto kaya ng bumangga sila sa truck at sumalpok ang sasakyan nila sa poste, ang sana'y hahampas doon ay ang parte ng sasakyan kung saan nakapuwesto si Athena. Inubos ng