Chapter 94-Longing For Each Other's Arm*

1867 Words

Pabiling-biling si Athena sa kaniyang higaan, hindi siya mapakali sa isiping nasa kabilang silid lang si Rafa. Kahit gustuhin man niyang matulog ay hindi niya magawa. Tinakpan niya ng unan ang kaniyang ulo at mariing ipinikit ang mga mata. May humahatak sa kaniya na bumangon at tunguhin ang silid ng nobyo. Gusto niyang matulog na katabi ito, gusto niyang yakapin ang binata ngunit pinipigilan niya ang sarili. Agad niyang inalis ang unan sa kaniyang mukha ng may marinig na kaluskos mula sa labas. Naramdaman niya na may pumipihit ng door knob. Bumangon siya at naupo, isiniksik niya ang sarili sa gilid ng kama dahil sa takot na may nakapasok nang ibang tao sa loob ng bahay. Napapikit siya ng tuluyan nang bumukas ang pinto. "Athena!" Idinilat niya ang mga mata ng marinig ang boses ni Rafa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD