"Truly, you're such a nice person, Daniel. Lahat nang magagandang pag uugali na hinahanap ng babae sa isang lalake ay nasa iyo na. Sino ba naman ang hindi gugustuhin ka? Napakaswerte ko nga at napansin mo ang isang kagaya ko. Sa dinamirami nang mga humahanga sa iyo ay sa isang kagaya ko pang mas matanda at hiwalay sa asawa ang nagustuhan mo. Hindi ako karapatdapat sa pag ibig mo, Daniel. Marami pang higit sa akin na nababagay sa'yo. Pakiusap huwag mo sanang masamain ang desisyon kong ito. Akala ko ay handa na akong magmahal ng iba ngunit hindi pa pala. Ngayon ko pa lang nakikilala ng husto ang sarili ko. I want to be true to you eventhough I know it will hurt you so bad. I'm so sorry, but I don't want to be unfair to you." Nakapagdesisyon na si Victoria na patigilin na si Daniel sa panl