"Athena, please... Come with me and let's get out of here," nagsusumamong pakiusap ni Rafa. Para siyang nabalot sa isang mahiwagang kapangyarihan at hindi niya matanggihan ang binata. Marahan siyang tumango hudyat na binibigyan niya ito ng permiso na ialis siya sa lugar na iyon. Muli nitong ginagap ang kamay niya, hinatak siya nito at sumunod lamang siya sa lahat nang gusto nitong mangyari. Tama si Rafa, may daan palabas sa dulo niyon. "Just wait for me here, I'll going to get my car," paalam nito na muli niyang tinanguan. Hindi niya alam kung tama pa ba itong ginagawa niya na sumama sa lalake na may girlfriend na ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Mahal niya si Rafa, kung ano man ang konsinkwensa nito ay haharapin niya. Ang mahalaga ngayon ay napatunayan niyang mahal din siya ni