Kahit hiwalay na si Victoria at Ricardo ay hindi mai-aalis na parte parin siya ng Ilustre Corporation kaya um-attend siya ng annual party. Suot ang round neck silver grey sequin long dress ay bumaba siya sa harapan ng venue. Naririnig niya ang ingay at hiyawan sa loob, halatang nagkakasiyahan ang mga taong naroroon. Nang pumasok siya sa concert hall ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. "Wala paring kupas ang ganda mo, Ms. Victoria!" papuring bati ng senior accountant na si Olive. Matagal na itong nanilbihan sa kanilang kompanya at ito ang isa sa mga empleyado na nakagaanan kaagad niya ng loob. "Oh, thank you, Olive!" tuwang sabi niya rito. "Hinahanap mo po ba si Sir Rafa, naroon po ang table nila sa unahan." Itinuro nito ang direksiyon kung saan naroon ang kaniyang anak, nat