Ipinagtataka ni Rafa ang malaking pagbabago kay Paulina simula ng mawala ang ipinagbubuntis nito. Madalas na itong gumigimik pag gabi kasama ang mga kaibigan na hindi naman niya mga kilala. Hinayaan na lang muna niya at inisip na siguro ay iyon ang paraan nito upang makalimot sa masamang pinagdaanan. May business meeting siyang pupuntahan sa Batangas, may kakatagpuin siyang mga investor doon. Maaga pa lang ay gumising na siya para maghanda sa pag alis. Sa condo niya natulog si Paulina, umuwi ito doon nang halos mag uumaga na, galing ito sa bar at nakainom. Katatapos lang niyang maligo at nang sa paglabas niya sa banyo ay nakita niyang gising na ito, nakaupo ito sa kama at nakasandal ang likod sa headboard. Napansin niyang hawak nito ang kaniyang cellphone at pinakikialaman iyon. Alam n