Kung kailan naman umiiwas ay parang sinadsadya pang makita na naman muli ni Athena si Paulina. Nasa ospital siya at katatapos lang ng check up appointment niya kay Dra.Sarah. Dinaanan pa niya ang kaniyang Tita Nimfa, matagal-tagal narin silang hindi nagkikita, kinamusta niya ito at nakipagkuwentuhan sandali bago napagpasiyahan na umuwi. Palabas na siya ng ospital at siya namang pagpasok ni Paulina. Saglit na napahinto ito ng makita siya. Didiretso na sana siya at magpapanggap na hindi ito nakita. "Hey, looks who's here?" ani Paulina, nakangiti ito ngunit nakataas naman ang isang kilay. "Paulina!" tanging nasambit niya. "Ang pagkakataon nga naman. Pagkatapos ng nangyari sa akin ay wala na akong nabalitaan buhat sa 'yo. Hindi ko man lang narinig ang paghingi mo ng tawad sa akin. It only