Matapos ang maghapong trabaho ay umuwi na si Rafa, hindi muna siya dumiretso sa kaniyang condo dahil bago pa man mag uwian ay tinawagan siya ni Paulina, nagsabi ito na dumaan muna raw siya sa tinutuluyan nito. Nagtaka siya ng pagbukas niya ng pinto ay makita si Athena sa loob ng unit ni Paulina. Naabutan niya ang eksenang nabitiwan ni Athena ang hawak nitong plastic cup at kumalat sa tiles na sahig ang laman nitong softdrinks. "Huh!What happened?" tanong niya, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa gulat na gulat na si Athena at Paulina. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadya dumulas sa kamay ko ang cup," tarantang sabi ni Athena. "Na-nasaan ang mop at lilinisin ko ang sahig?" tanong niya na kay Paulina nakatingin, iniwas niya ang mga mata kay Rafa. Sinisi niya ang sarili kung bakit nagpaape