"Here's your milk tea and burger." Matapos makapasok sa kotse ay agad inabot ni Rafa ang hawak na pagkain sa nobya. "Oh, thank you!" nagniningning ang mga mata sa tuwang sabi ni Paulina. Tinanggal nito sa plastic ang matabang itim na straw, itinusok sa takip ng cup ng milktea at agad na sumipsip. "Hmm... refreshing!" bulalas nito. "Honey, you want?" Itinaas ni Paulina ang hawak na milktea at inabot kay Rafa. "No, I'm full. Para sa 'yo talaga 'yan at sa baby natin," aniya na patuloy lang sa pagda-drive matapos itong tapunan ng mabilis na tingin. "But our baby wants to share this milk tea with you," pamimilit ni Paulina, pinalungkot pa ang mukha. Nakonsensiya si Rafa, ang sabi kasi nila ay dapat ibigay ang lahat ng gustuhin ng buntis hindi raw pwedeng pasamain ang loob nito dahil bak