Pumihit paharap si Athena kay Rafa, nagtatanong ang mga mata niya. Ipinagtataka niya kung bakit pinipigilan siya nitong lumabas ng silid na iyon. Sunod-sunod ang naging pag iling ni Rafa. "Let me check first kung may tao pa sa paligid. Baka may makakita sa iyong lumalabas ng kuwarto ko." Kahit hindi naman ito nagtanong ay sinagot niya ang katanungang nababasa niya sa mga mata nito. Nakaramdam ng pagkadismaya si Athena, ang buong akala niya ay kaya siya pinipigilan nitong lumabas ay dahil gusto pa siya nitong makasama nang matagal. "Si-sige," sagot niya rito, gumilid siya at binigyan ito ng daan upang maunang makalabas sa maliit na siwang ng pinto. Lumabas si Rafa at pinakiramdaman ang paligid, sa tingin niya ay nakabalik na si Diana sa silid nito kaya marahan niyang hinila si Athena p