Magkakaharap ang lahat para sa tanghalian. Naroon din sa mahabang lamesa si Gabriel, Ricardo at Diana. Kumpleto ang buong pamilya ni Rafa sa kaniyang kaarawan, ipinakilala ng binata si Paulina sa kaniyang mga magulang habang si Athena ay nakamasid lang sa mga nangyayari. "I'm so happy to finally meet you, Sir, Ma'am!" magalang na sabi ni Paulina sa mga magulang ni Rafa. "Same, let's forget about the past, what's important now is the future. Mahaba na ang pinagdaanan ninyong dalawa but in the end still, kayo parin, that's what we call destiny. You're destined for each other. We're looking forward of you building your own family," sabi ni Ricardo na kung dati ay tutol na tutol kay Diana ngayon naman ay pabor na ito na maging bahagi ito ng kanilang pamilya. "Thank you so much po. Kung hin