Parang nakalutang sa langit si Athena, napakasaya niya ngayong araw. Matapos ang mahigit tatlong buwan lamang nilang pagiging magkasintahan ni Sandro ay hindi niya inaasahan na magpo-propose na agad ito sa kaniya ng kasal. Dahil mahilig sa mga halaman si Athena ay inaya siya ni Sandro para sa isang romantic French dinner na may magical garden ambiance. Para kang nasa paraiso sa ganda ng lugar. Iba't-ibang klase ng halaman ang mga naroon, nagningning sila gawa ng napakaraming maliliit na ilaw. Walang katao-tao sa lugar maliban sa kanilang dalawa, walang ideya si Athena na ipinasara ni Sandro ang lugar na iyon para sa isang espesyal na araw sa kanilang dalawa. "Wow! Ano'ng meron at dinala mo ako rito?" Hindi maalis-alis ang pagkamangha sa itsura ni Athena habang nakatingin sa nobyo. "