"Athena, please let's talk!" pakiusap ni Rafa habang nakasunod sa dalaga. Sinadya niya ito sa kaniyang eskuwelahan para kausapin. Uwian na noon at tiyempong wala si Sandro para sunduin ito dahil tatlong linggo na ang nakalilipas at nasa Australia parin ito. "Ano pa ba ang dapat nating pag usapan? Kinamumuhian mo ako 'di ba dahil isa akong gold digger at pumapatol kung kani-kanino para lang sa pera. Nirespeto ko ang paniniwala mong 'yan kahit wala namang katotohanan. Pwede ba layuan mo na ako at huwag ka ng magpapakita pa sa akin. Masaya na ako at kuntento na sa buhay ko ngayon. May nobyo na ako at hindi siya matutuwa kapag nakita ka niyang bumubuntot-buntot sa akin." "Please, listen to me, I want to help you. I know what you're facing right now." Natigil sa paglalakad si Athena kaya na