"Hello, honey!" "Huh! Katsumi, what are you doing here?" gulat na tanong ni Rafa sa dalaga, hindi niya inaasahan na makikita ito sa loob ng building ng Ilustre Corporation. Agad umangkla sa batok ni Rafa si Katsumi at hinalikan ang binata sa labi. Wala itong pakialam kung makita sila ng mga tao sa paligid. Bahagyang itinulak ng binata ang dalaga upang mailayo ito sa kanya. "Are you surprised, Mr. Rafael Ilustre? Akala mo hindi ko malalaman kung sino ka talaga, noh? So, you came from the famous and rich clan of Ilustre," nakangiting sabi ng dalaga. Tumingin si Rafa sa paligid, naagaw na ni Katsumi ang atensiyon ng lahat ng tao na naroon. Hinubad niya ang suot na coat at ipinatong sa balikat ng dalaga. Kung hindi niya iniisip si Athena ay hahayaan lang niya ang babaeng ito kaya lang ka