"BAKIT mo ako dinala dito, Lex?" Nilalamig man ay hindi maitago ni Ninia ang saya. Pagkatapos ng appointment nila kay Michael Remo ay nag-mall sila kasama si Mica. Nag-dinner sila at pagkatapos ay inihatid nila si Mica pero sa halip na iuwi na siya nito pagkatapos ay hindi ginawa ng alkalde. Tinahak ng kotse nito ang daan patungo sa Antipolo at ngayon nga ay nandito sila sa itaas ng tila bundok at nakatanaw sa maraming bituin sa langit habang magkatabi silang nakaupo sa hood ng kotse nito. Kayganda ring pagmasdan ang maliliit na ilaw mula sa kalungsuran sa ibaba na mula sa kinaroroonan nila ay animo lang langgam sa liliit. "Nagustuhan mo?" anito saka hinubad ang suot na jacket at isinuot sa kanya. Hinawi din nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad ng hangin at tumatakip sa kan

