ALAS TRES ng hapon kinabukasan nang dumating sa bahay ng Mommy at Daddy niya ang kanyang Mama at Papa. Maraming pasalubong na bitbit ang mga ito para sa kanila kagaya ng palaging ginagawa ng mga ito tuwing dadalaw sa kanila dito sa Maynila. "Nag-abala na naman kayo, Kumpadre. Kahit naman wala na kayong bitbit ay ayos na ayos sa amin," sabi ng Daddy niya habang kinukuha ang iniaabot ng kanyang Papa na katamtamang laki ng bayong na naglalaman ng iba't ibang klase ng isda na pinatuyo at ginawang daing. Mahilig kasinsa ganoon ang kanyang Daddy at alam iyon ng kanyang Papa kaya tuwing bibisita ang mga ito ay isang bayong ang dala. "Wala 'yon, Kumpadre. Maliit na bagay lang ang mga 'yan. Sa susunod ay magdadala kami ng marami nitong si Carmelita para marami kayong stocks," ani Gustavo. "Pa

