PATULOY siya sa pag-iyak pero si Margaux ay parang nahimasmasan na. Nakakatawa dahil mas nauna pang tumigil kaysa sa kanya ang kanyang anak. Pupungas-pungas na nagpahid ito ng mukha at mga matang basa saka tulalang napatitig sa gawi ng ama. Kitang-kita niya nang ilang beses itong napakurap habang ang buong atensyon ay nasa kama. "Mommy, Daddy's awake na." Kinilabutan siya sa sinabi ng anak. Tinitigan muna niya ang reaksyon nito pero bigla siyang natauhan dahil bata nga pala ang kanyang kausap. At hindi sinungaling o mapaggawa ng kwento si Margaux sa kabila ng murang edad nito. "Daddy's not, anak." Awtomatikong napalingon siya sa kama ng asawa pero nananatili namang nakapikit ang mga mata nito. Walang bakas na mayroon na itong malay kagaya ng sabi ni Margaux. Siguro ay namalikmata laman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


