Vaniella's POV “What's happening here?” dumagundong ang boses ni Hakan sa apat na sulok ng kwarto na kinaroroonan namin. Humupa tuloy ang tawanan dahil sa boses ni Hakan na galit at halos dumagundong sa apat na sulok ng kwarto na parang nagngangalit na kulog. Sabay-sabay tuloy kaming lumingon sa kaniya na may pagtataka. Ang kasiyahan na nasa aming mga labi ay natigil. Ako, si Daddy Vince, Mommy Charmel, at Uncle Justin ay awang ang mga labi na humarap sa kaniya. “Wala, anak. Glad you're awake” Si Mommy Charmel ang lakas-loob na sumagot kahit kita sa mukha ng kaniyang anak ang iritasyon. Lumapit siya kay Hakan at inayos ang dextrose na ginapangan na ng dugo ang tube nito. “Why am I here, my queen?" tanong niya sa akin na hindi pinansin ang tinuran ng kaniyang ina. He is very attentive