Vaniella's POV “Vaniella…” Napaangat ako mula sa pagyuko nang marinig ko ang nag-aalala na boses ni Mommy Charmel. Nakita ko sila agad ni Daddy Vince na nasa paanan ni Hakan at alalang-alala na nakatingin sa kanilang anak. Tapos ng suriin si Hakan. Nakalabas na siya kanina pa sa emergency room. Narito na kami sa private room na pinagdalhan sa kaniya kung saan ay halos kalahating oras na siyang nagpapahinga. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon ngunit ayos lang naman daw ang kalagayan niya sabi ni Dr. Hero. May tinurok sa kaniyang gamot para ma-relax ang kaniyang mga ugat at para maging maayos ang daloy ng ugat sa kaniyang katawan. Over fatigue ang findings sa kaniya ng anak ni Uncle Justin. Ito iyong naalala kong sabi ng medics kanina ni Hakan sa akin. Wala pa nga itong maayos na t