Hakan's POV “Greetings to you, your highness.” Napaangat ako ng tingin buhat sa pagbabasa ng lesson plan sa laptop ko nang sumungaw si Levi sa sala nitong kwarto na kinaroroonan ko. Dito ko sa sala naisipan na mag-type ng lesson plan ko dahil parang hinihila ako ng antok kapag doon ako sa kwarto nagtipa. Parang ang sarap kasing humilata at matulog sa aking kama lalo na kapag narito lang ako sa dorm. Wala naman klase bukas ng umaga dahil may event ng gabi ngunit gusto kong tapusin ang mga lesson plan na dapat ay sa susunod na linggo ko pa gagawin. Excited lang akong magturo sa susunod na mga araw dahil alam ko na magiging exciting na ito para sa akin. Kung bakit, ako lang ang nakakaalam… And one more thing, inaabangan ko rin ang pagdaan ni Maria Vaniella rito sa tapat ng kwarto ko kaya