Vaniella's POV Ringggggggggggg!!! “Yes, uwian na!” Malakas na sigaw ng isa kong kaklase na lalaki na agad tumayo at tumakbo patungo sa pintuan. Sumunod naman sa kaniya ang iba ko pang kaklase na agad na kumaripas ng takbo palabas ng classroom. Nagmadali rin ako sa paglabas ng classroom namin nang makita ko ang ginawa nila. Hudyat kasi ang bell para matapos na ang klase at siyempre para mag-uwian na kami. Walang magagawa ang mga propesor kundi tapusin ang klase nila sa amin at hayaan na kaming umuwi. Hindi pa man nagdi-dismiss si Hakan ay nag-uunahan na kami sa paglabas ng klase niya. Sabagay, wala siyang magagawa dahil bell na. Bahala siyang umusok ang bumbunan niya sa galit kapag nakita niyang nagsilayas na kaming lahat. “What did I tell you?” Narinig ko ang sigaw niya mula sa loob n