Vaniella's POV Hinatid ko si Hakan hanggang sa gate ng aming bahay. Ayaw niya sanang pumayag dahil baka mapagod lang daw ako. But I insisted na ihatid siya. Exercise na rin sa amin ni baby sabi ko kahit wala pa namang baby bump na visible dahil maliit pa lanng naman ang tiyan ko. “See you later, my queen. I love you so much,” malambing na wika ni Hakan sa akin at saka marahan na hinila ako palapit sa kaniyang katawan at hinalikan ako sa aking labi ng mabilis. “Uwi ka agad ha?” Sabi ko na nakalabi. Pinakita ko talaga sa kaniya na parang ayaw ko siyang umalis. Ito ang kanina ko pa nadarama habang pababa kami sa ikalawang palapag ng bahay namin. Parang ayaw ko siyang paalisin. Gusto ko nasa tabi ko lang siya at nakikita ko. Ewan ko ba pero parang pakiramdam ko may mangyayari na hindi mag

