Hakan's POV Halos paliparin ni Daddy ang kotse niya makarating lang kami agad sa bahay namin ni Vaniella. Si Daddy V na kasunod lang namin sa likuran ay halos gusto ng makipagkarera sa amin makarating lang agad siya sa bahay namin at makita ang nangyari sa kaniyang anak. Lahat kami ay nag-aalala. Halos gusto ko ng magwala at umiyak kapag na-i-imagine ko na may masamang nangyari sa aking asawa. She is pregnant. Tapos wala pa akong matawagan kina Levi at Kevin. Iyong cellphone na pinantawag nila sa akin ay cannot be reach naman na ewan ko kung bakit! "Ahhhhhhh!" hiyaw ko sabay sabunot sa buhok ko. Parang sasabog na ang puso ko sa pag-aalala. Para ring puputok na ang mga ugat sa utak sa sobrang pag-iisip kung ano ang nangyari sa mansion na pati ang mga telepono ay hindi ko matawagan. Ca

