Vaniella's POV Ang dilim…ang sikip…nandito pa rin pala ako. Akala ko paggising ko ay wala na ako rito. Akala ko panaginip lang ang lahat ng nangyayari kanina. Nakakalungkot nandito pa rin ako at anumang oras ay babawian na ng buhay. Nawalan kasi ako ng malay-tao ng ilang minuto dahil siguro na-suffocate ako sa loob ng sako. Saka ko lang nalaman nang maalimpungatan ako mula sa malakas na pag-uusap ng mga taong tumangay sa akin. Ang ingay nila at mukhang nagkakatuwaan sila sa binabalak nilang pagpaslang sa akin. Gusto ko man manatiling gising para alam ko ang mga susunod na mga mangyayari sa akin ngunit sobrang nanghihina na ako. Nauubusan na ako ng oxygen sa baga. Pati utak ko ay tila lumulutang na dahil sa paliit na nang paliit ng suplay ng oxygen sa utak ko. I guess I will choose to

