Vaniella's POV “Hmmmmm…” Dahan-dahan akong nag-unat ng mga braso ko pagkamulat pa lang ng mga mata ko. Mukhang napahaba na naman ang tulog ko dahil nananakit at naluluha na ang sulok ng mga mata ko. Medyo nasilaw pa nga ako kaya bahagya ko itong pinikit bago nagmulat at saka nagpatuloy sa pag-unat. Pansin ko na mataas na rin ang sikat ng araw sa labas dahil wala ng silahis ng araw na sumisilip sa nakaawang naming bintana tuwing umaga. Na kung saan ay madalas na sumilaw sa akin dahilan para mapikit ako at tumalikod sa gawi nito. Ang hilig kasi ni Hakan na magbukas ng bintana. Gustong-gusto kasi niya ang amoy ng mga bulaklak sa ibaba na dinadala ng hangin ang amoy nito sa kwarto namin. Pati ang tilaok ng mga manok na nasa likurang bahagi nitong resthouse namin ay wala na akong naririnig

