Sky's POV Una naming dinalaw ang bahay nina Devin at Farrah sa south. Siya ang pinakamalapit na naging kaibigan ng asawa ko bukod kina Charmel, Alessandria, Jelsea, at ibang girls na hindi ko na nabanggit. Madalas kaming tumambay sa hacienda nila noong nabubuhay pa ako dahil gustong-gusto ni Jasmine ang apple mango nila na tanim at native na maghayna pinapahinog. Tapos iyong duhat nila na big sizes at bibihira ka lang makabili ng matamis kahit hindi pa hinog. Sobrang tamis kasi ng mga uri ng mga prutas na ito kahit hindi pa manibalang. Ine-export kasi ito sa mga karatig bansa kaya naman talagang inaalagaan para hindi umurong ang laki at tamis. Kahit kasi mahal ang presyo ng mga prutas na ito ay binibili talaga ng mga consumer at pinagkakagastusan talaga matikman lang ito. Samantalang i

