Vaniella's POV Masama kong tiningnan muna si Hakan bago ako sinagot ang katanungan ni Daddy. “Hindi po ako buntis, Dad. Hindi po ako magpapalaglag kung buntis man ako,” naiimbiyerna na sabi ko. Sinamaan ko muli ng tingin si Hakan na agad na lumapit sa tabi ko at niyakap ako mula sa aking baywang. Alam niya na galit ako kaya heto at kukunin na naman niya ako sa lambing. Kasalanan ko rin. Kung bakit naman kasi hindi ako nagbaba ng boses. In-broadcast ko pa talaga para marinig nila. "Sorry..." Bulong ni Hakan malapit sa aking tainga. Gusto kong pumiksi sa kaniya ngunit nakatingin sina Mommy at Daddy. Isa pa, nakaharap ang mga kapatid ko na botong-boto sa malibog na haring 'to. Ayaw ko rin silang pakitaan ng masamang ugali lalo na at mabuti naman ang pakikitungo sa kanila ni Hakan. Idolo n