Vaniella's POV “Ang tahimik mo?” untag ko kay Hakan nang makalapit ako sa kaniya. Nag-iisa na lang siya rito sa veranda. Kanina lang ay nakita ko silang seryoso na nag-uusap ni Daddy dito. Lalapit sana ako sa kanila dahil pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan nila. Paano, ilang beses kong nahuli si Daddy at Hakan na sabay na lumingon sa gawi ko. Pero nagbago ang isip ko at hinayaan na lang sila. Patay-malisya na lang ako kahit nakikita ko sa sulok ng aking mga mata na nakatingin sila sa gawi ko. Malamang nagkukwento si Hakan ng improvement sa relasyon naming dalawa. I know my father would feel glad about that. Ito ang isa sa gusto niyang mangyari para tuluyang matupad ang pangarap ni Daddy. Mapapasaya ko na siya at mapapanatag ang kalooban nila ni Mommy. Na nagbunga rin ang matagal na ni