Hakan's POV Sabado, narito kami sa bahay nina Maria Vaniella. Narito kami sa bahay nila dahil weekends. Ganitong mga araw kami pumaparito dahil ito lang ang free day naming dalawa kapag may pasok sa eskwelahan. Naging routine na namin ito kada weekends kaya expect ko na wala sa akin ang atensyon ng aking asawa. It's okay. Hindi naman ako katulad ng ibang lalaki na pagseselosan ang pamilya ng aking asawa. Hinahayaan ko siyang mag-enjoy sa pag-i-stay namin dito ng dalawang araw. Buong weekdays naman ay alam kong akin, lalo na at nagkakamabutihan na kami pagkatapos ng gabing nakiusap ako sa kaniya na pagbigyan na niya akong mahalin. “Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng anak ko, Hakan.” Puna ni Daddy V na labis kong ikinagulat. Hindi ko alam na mapapansin din niya na may malaking pagbaba