Vaniella's POV “Unggghhh! Tulonggggggg! Daddyyyyy! Hakannnnnnnn!” Umiiyak na sigaw ko kasabay ng pagtulak ko sa sako kung saan ay inilagay ako ng mga taong dumukot sa akin. Pinipilit ko na mabuksan ito para makatakas ako ngunit masyado yatang mahigpit ang tali na nilagay nila para hindi ako makawala. Nawawalan na ako ng hangin at lakas para ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa buhay namin ng anak ko…alam kong hindi ako magtatagal dito dahil sa suffocation pero susubukan ko kahit nagdidilim na ang paningin ko. “ Ha ha ha! No one will save you even your king!” Tumatawang sabi ng babae sabay tadyak sa akin. Mabuti na lang at sa may bandang balikat niya ako tinadyakan. Hindi sa aking tiyan kung saan ay pinoprotektahan ko ang baby na huwag masaktan dahil umaasa ako na maliligtas kami. I’m

