Vaniella's POV Hindi na inabot ng madaling-araw ang death anniversary celebration ni Daddy. Nagpaalam ng maaga ang ilan na may pupuntahan na importanteng business meeting kinabukasan. Habang ang iba naman ay gusto ng umuwi sa kani-kanilang mga bahay upang magpahinga dahil may pasok pa sa trabaho ang ilan o kaya naman ay may ibang lakad na pupuntahan naman ang iba. Ang tanging naiwan lang dito sa mansion ay ang mga kamag-anak nina Mommy at Mommy Malzia. This includes our siblings and other relatives. Siyempre kasama na rin dito ang mga anak namin ni Maria Vaniella, ang mga anak nila, at mga apo. Nakakatuwang pagmasdan ang first generation to fourth generation ng aming angkan kahit na ba lagas na halos ang mga uncle namin na nagpauso ng age gap relationship. Humihina na rin ang mga batam

