Hakan's POV Bumalik kami ng La Union nang magsawa na kami ng Batangas. Isa pa, death anniversary ni Daddy at kailangan namin itong gunitain para bigyan siya ng pagpupugay sa kanyang mga kabutihan na nagawa noong siya ay nabubuhay pa rito sa lupa. Maraming bisita ang darating mula sa Istanbul, Turkey. Gustong i-cover ito ng maraming media dahil pumutok ang balita na darating ang hari at reyna kong mga anak para dumalo sa death anniversary ng aking ama. Gusto rin kaming kunan na mag-asawa ng interview dahil dati kaming ruler sa Istanbul. Pero hindi ako pumayag dahil ayaw din nina Venedict at Venecia. Allergic kaming mag-asawa sa ganito kaya naman kapag lalabas kami ay balot na balot kami at makakapal ang eyeglass sa mga mata. Allergic din ang mga anak namin sa mga ganito at bihira lang

