Blue's POV “Dad, daanan ka po namin mamaya rito pagkatapos naming mamili.” “Huh?” Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng aking panganay na si Alexander. I thought he went back to the car and leave me alone. Sabi ko kasi ay sa sasakyan na nila ako hintayin pagkatapos nila akong ibaba ni Alexis at ihatid dito sa museleo ng mga kaibigan ko. I can still manage to take care of myself. Automatic naman itong wheelchair ko. I have water and food. My oxygen tank is full and I can still see the place clearly without using my heavy eyeglasses na madalas mahulog sa mga mata ko sa sobrang bigat nito. Maliwanag naman kasi kaya hindi ko na kailangan ng makapal na salamin Tama lang din ang klima ngayong araw para maging komportable ako sa kinaroroonan ko ngayon. “Okay lang po ba, Dad?

