"Anak bakit hindi ka pa naliligo?" "M..Mommy pakisabi nalang kay ricky nagkatrangkaso ako kaya hindi ako makakapunta sa kasal niya ngayon---" Tinaasan siya ng kilay ng kanyang mommy. Lumapit ito sakanya at ibinato ang kanyang bath robe "Maligo kana bruha. Palusot ka pa diyan anak" Napakamot siya sa kanyang ulo. She tried her best to look sick. She fake cough "Ehem. Ehem Ehem.. Mommy malala yung ubo ko... Hindi talaga ako pwedeng pumunta sa kasal ni ricky----" "Tumigil ka anak. Kilalang kilala kita. Maligo kana at mahuhuli na tayo sa kasal ni ricky" Napabuntong hiniga siya "B..Bakit ayaw mo ba maniwala mommy?" "Anak naman. Wag mo naman gawin kay ricky ito. Akala ko ba nakamove on kana sa ex boyfriend mo?" "A..Ano bang pinag sasabi mo diyan mommy. Masama lang po talaga yung ano k

