Chapter 35 "You may now kiss the bride!" Isang masigabong palakpakan ang pumuno sa loob ng simbahan nang matapos ang kasal ni ricky. Masayang masaya ito habang kahalikan ang asawa. Nakahinga naman ng maluwang si Cris dahil wala ang kahit anino man lang ni Miguel sa loob ng simbahan "Cris anak tara na sa reception" "Mommy anu ka ba mamaya na po mag picture picture pa---" "Na-iihi na ako anak. Tara na mamaya naman magpipicture picture rin sa reception" "Osige na nga mommy." Nag pipicture pa ang bagong kasal kasama ng bawat pamilya ng mga ito. Napangiti si Cris dahil nasigurado niyang wala si Miguel. Hindi ito dumalo. Mabuti naman at hindi siya dumalo. "Jayson paki sabi kay ricky mauna na kami sa reception." "Wow Cris ang ganda mo ngayon ah?" Biro ni Jayson sakanya. Maybe Jays

