Kabanata 17 Partner Hindi agad ako nakatulog ng gabi na 'yon. Iniisip ko ang pinagtalunan namin ni Argo. Kung talagang wala naman pag-asang mapa sa'kin siya bakit hindi na lang niya ako hayaan sa gusto ko? Isa pa ang bata lang naman ang concern n'ya dito at hindi ako. Pero sa tuwing naiisip ko ang bagay na 'yon ay tila may kirot na bumabangon sa puso ko. Ganito lang ba ang papel ko sa buhay n'ya? Kapagtapos kong ibigay sa kanya ang bata ay mawawala na lang ako na parang bula na parang hindi niya nakilala? Sabagay, sino ba naman ako para pagtuonan niya ng panahon? Dumating ako sa buhay niya na handa na siyang bumuo ng pamilya kasama si Florisse. Baka nakakalimutan kong hindi biro ang bond na meron sila ni Florisse para lang ipagpalit sa isang con-artist na tulad ko. Kaya kung mabigyan