Kabanata 18 Lunch "Argo Greensmith of GS Hotel? The owner of Greensmith University?" Halos mamutla ako nang bumaling ng tingin sa'kin si Andra matapos ay tumingalang muli kay Argo. "I'm Andra Jimenez. Nice to finally meet you, thanks for taking care of my friend, Natalia!" Nakipag-shake hands pa ito kay Argo bago kami ayain palapit sa iba pang bisita. Si Andra na mismo ang nagpakilala sa amin sa ilan niyang bisita at ang huli nga ay ang grupo ng college classmates ko. "Natalia ikaw na ba 'yan? Grabe ang laki na ng pinagbago mo! Hindi ka na titibo-tibo!" anang isa kong classmate na nagngangalang Albert. Ngiti lang ang tanging naisagot ko matapos at Bumaling sa iba ko pang kaklase. Isa na nga doon si Prince na mukhang katabi ang butihin niyang asawa. "Prince! Nice to see you again!"