3rd Person's POV;
Kinagabihan napamulat ng mata ang binata ng makarinig siya ng mga yabag mula sa labas ng silid.
"Mga hindi man lang nagsabi na may darating na mga bisita." bored na sambit ng binata bago bumangon at walang kaano anong hilahin ang dalawang lalagyan sa ilalim ng hospital bed na kinangiwi ng binata ng narinig ang galatukan ng mga buto niya sa katawan.
"Hanapin niyo ang kwarto bilisan niyo!" sigaw ng nagsisilbing leader ng pumasok ito ng hospital.
---
"Putangina anong ginagawa niyo dito?" mura ni Crios ng makita lahat ng tauhan ay nasa labas ng mansyon.
"Boss ito ang oras ng palitan diba? bak---."
"Nakatanggap ng tawag ang grupo ni Jonas kay Pinuno na kinakailangan ang grupo nila sa Cebu." sabat ni Castor na kinasapo sa noo no Crios.
"Kung sa transaction ang sinasabi mo Castor hindi na natuloy kaya dapat ang grupo ni Jonas nasa ospital." sagot ni Chaos na kinamura ni Crios dahil masama ang kutob niya sa nangyayari.
"Usapan diba? hangga't wala pa ang grupo nina Jonas para palitan kayo hindi kayo aalis?" nagdidilim ang anyong sambit ni Crios.
"Boss pinatawag niyo kami." ani ng head ng grupong bantay dapat ng hospital dahilan para kwelyuhan ito ni Crios.
"Putangina iwewelcome ko ba kayo ng ganito kung pinatawag ko kayo!" bulyaw ng lalaki bago kwelyuhan ang tauhan.
"Crios chill ka lang pacheck ma lang natin sa kambal kung sino nagpadala ng tawag. Sa ngayon kailangan na muna natin pumunta ng ospital dahil malakas ang kutob ko na ang grupo nina Rade ang target nila." Pagpapakalma ni Chaos sa kakambal bago idial ang phone niya para tawagan ang grupo ng Dark Beat.
--
"Teacher Allison ano pong problema?" Tanong ng batang babae ng huminto sila sa hindi kalayuan sa ospital at ilang minutong pinagmasdan ni Allison ang napakaraming kotse sa labas ng gate ng ospital.
"Uuwi tayo." Bulong ni Allison bago buhayin ulit ang makina at kabigin pabalik ang kotse.
"Pero Tita Allison inaantay tayo ni papa." Ani ng batang si Alex na kinahawak ng mahigpit ng dalaga sa manibela.
"Wala ng mas hahalaga ngayon bukod sa maging ligtas ka." Ani ng dalaga hanggang sa huminto sila sa isang bakanteng lote na malapit sa ospital.
Kahit malakas ang ulan walang kaano anong bumaba ang dalaga at takpan ang batang babae ng ilabas niya ito habang umuulan at tumakbo sa isang parang abandonadong gusali.
"Ate!" Sigaw ng dalaga ng makatapak sila sa abandonadong gusali.
"Allison." Ani ng dalaga na nakaschool uniform bago ibaba ang hawak nitong baril ng maaninag ang kapatid at batang nasa labasan.
"Ate pakibantayan muna si Alex babalik din ako." Nagmamadaling sambit ng dalaga bago ibaba si Alex na nakatitig sa magandang babae na walang emosyong nakatingin sa kapatid.
"Alex listen to me wag na wag kang aalis dito hanggat hindi pa ako nakakabalik." Bilin ni Allison sa batang babae.
"Umalis kana Alli nagdala ka pa ng mga daga dito." Walang emosyong sambit ng dalaga na kinalingon ni Allison sa labas.
"Tumakbo kana sa loob magtago ka." Utos ni Allison na kinanginig ng batang si Alex dahil sa minsan na din niya itong narinig.
Natatakot man pero walang lingon lingon na nanakbong pumasok ang batang babae paloob at lampasan ang dalagang kasalukuyang hinihilot ang batok.
"Thank you ate." Bulong ni Allison bago dali daling tumakbo palabas at sumakay ng kotse habang ang dalaga namang nasa loob ng gusali ay hindi maiwasang mapangisi dahil sa expression ng kapatid na nakita.
Habang pinaharururot ng dalaga ang kotse paalis hindi nito maiwasan ang panlalamig dahil sa mga kotseng nakita niya kanikanina lang na nasa labas ng ospital.
"Damn it." Bulong ng dalaga hanggang sa makarating ito sa harap ng ospital at malakas na banggain ang gate papasok.
Allison's POV;
Pagtapak na pagtapak ko sa parking lot pagkababa ko ng kotse hindi ko maiwasang kilabutan ng pagtingin ko sa sementong tinatapakan ko ang tubig na ulan na nanggaling sa langit nagkulay dugo na umaagos ngayon palapit sa pwesto ko.
"Bullet." Bulong ko ng pag angat ko ng tingin nagmistulang sementeryo ang buong parking lot sa dami ng patay ang kaibahan lang nagkalat ang mga ito sa parking lot. Hiwa hiwalay ang katawan habang naliligo sa sariling dugo.
Hindi ba bago sakin ang ganitong tanawin pero hindi ko pa din maiwasang kilabutan lalo na't matagal na ding taon ang lumipas ng huli kong makakita ng patay na tao.
'Sobrang tahimik.' Ani ko sa sarili habang hindi alintana ang basa kong kasuotan dahil sa hanggang ngayon malakas pa din ang ulam
Nang makapasok ako ng ospital para akong binuhusan ng malamig ng tubig ng makita kong mapadoctor,nurse at pasyente walang buhay na nagkalat sa paligid.
Kasabay ng pagihip ng malamig na hangin ang pagtingin ko sa pinakadulo ng hallway.
"Bullet." Ani ko bago humakbang at sundan ang ingay ng espada na may nakakakilabot na tunog.
Mukha yung hinihila ng kahit na sino at nageecho yun sa buong hospital.
Patuloy lang ako sa paglalakad pilit na iniiwasan ng tingin ang mga katawang nakikita ko.
Hanggang sa makarating ako ng fourth floor at nakakita ako ng bakas ng dugo na mukhang pinaghalong basa ng ulan at dugo kasunod ng paglakas ng ingay ang pagkabog ng puso ko ang pag angat ko ng tingin sa lalaking nakatayo sa pinakagit ng hallway nakatalikod ito habang may hawak na dalawang katana.
"Hindi ka dapat andito...Allison."
Para akong nabato sa kinatatayuan at ilang segundong napatigil ang paghinga ko ng humilig ang lalaking may puting buhok patagilid at salubungin ang tingin ko gamit ang ginto nitong mga mata.
"Ikaw." Bulong ko habang nanginginig na naiyukom ang kamao ko.
"Hindi ko iniexpect na sa ganitong kalagayan ulit magkukrus ang landas natin." Dagdag ko habang nakatingin sa walang buhay na mga mata ni Bullet.
'Isang taong kayang gawing impyerno ang buhay ng libong tao sa ilang segundo lang.' Yan ang pagkakakilala ng karamihan sakanya.
'Pero para sakin isa lang siyang batang lalaki na hindi marunong tumupad ng isang pangako.'