18

782 Words
3rd Person's POV; "Ilang taon ko na pinapatrabaho sainyo ang mga batang yun pero ni isa sakanila hindi niyo maibaon sa hukay." nag iigting ang pangang sambit ng matanda habang nakatingin sa daan daang tauhan na nasa harapan niya. "Gumagalaw kayo ng wala sa plano yan ang lamang nila sainyo." ani ng binatang nakaupo sa parang trono habang nakatukod ang kamay sa hiligan ng upuan. "Lahat dinadaan niyo sa dami hindi sa utak." dagdag pa ng binata bago bored na tumingin sa mga nakahanay na tauhan. "Bakit hindi kayo tumira pailalim?" ani ng binata bago sumandal at tumingin sa matanda. "Gamitin mo ang impluwensya ng pamilya natin papa at yang mga tauhan mong walang kwenta ipataba mo na lang sa lupa." suhesyon ng lalaki na kinaputla ng mga lalaki sa daungan. Gagalaw pa lang ang mga ito ng may daan daan ng humanoids ang lumabas kung saan at sinunog ng buhay ang mga tauhang nasa gitna. "Wala naman din kayong silbi mas mabuting ipakain na lang din kayo sa mga bulate." nakangising sambit ng binata bago tingnan ang amang mukhang naaliw sa nakikita. --- "Galing umarte." bulong ng dalaga habang pailing iling sa pag arte ng binata na parang nasasaktan. "Uncle Reid, I'm sleepy na." bulong ni Alex na kinatingin ng dalaga. "Alex ako n---." "Ako na Ms. Allison mangangalay ka lang buong araw mo na hawak si Alex." ani ni Reid bago buhatin si Alex at ihilig sa balikat nito para matulog. "Doc kamusta na siya?" tanong ni Galvin ng makalabas abg doctor. "Nagkaroon ng major injury ang kaliwang bahagi ng balikat ni Mr.Harford kaya kailangan niyang mag stay ng ilang araw pa dito sa ospital para mabilis ang recovery niya kah---." "Maraming salamat po." ani ni Galvin bago akbayan ang doctor at ilayo sa pwesto ng dalaga. "Damn siguradong maheheadline nanaman ito." ani ni Jackson bago tingnan ang binata sa loob. "Ipalipat natin ng ospital si Derek." suhesyon ni Shintaro bago tumayo at lumayo ng konti habang hawak ang phone. --- "Kami na bahala kay Alex Ms.Allison pwede kana sigurong umu---." "Babysitter ako ni Allison at kung uuwi ako kasama yung bata kailangan pa din niya maligo at kumain kaya dito lang ako." putol ng dalaga kay Reid magsasalita pa ang binata ng---. "Galing ako sa Waemoon Hospital at may pasyente akong kailangan ilipat dun." ani ng lalaki na bigla na lang dumating,bago may itaas na parang card na agad kinayuko ng mga doctor at nurse na nasa loob ng kwarto. --- "Mom! wag! po walang kasalan---." *paaak* Bago pa maituloy ng batang lalaki ang sasabihin lumagapak ito sa sahig ng malakas itong sampalin ng ina---. "Young mas---." Kasunod ng pagputok ang baril ang pag angat ng tingin ng batang lalaki na halos ikaguho ng mundo nito ng makita ang ama amahan na naliligo sa sariling dugo habang nakahiga sa sahig. Sa mismong kaarawan ng batang lalaki namatay ang kauna unahang taong bumuo ng pagkatao niya at kaisa isang bagay na pinahahalagahan niya. --- "Kamusta ang baby ko?" nakangiting tanong ni Derek ng makita ang batang babae at yumakap sa bewang niya. "Okay lang ako papa ikaw po?" tanong ni Alex habang hinahaplos ang pisngi ng anak anakan. "Hindi naman masakit ang pasa ni papa." nakangiting sambit ng lalaki. "Buti naman gising kana." ani ng dalagang si Allison pagkatapos nitong buksan ang pinto at pumasok. "Ipagpapaalam ko lang si Alex paliliguin ko na muna at kukuha ng ilang damit." ani ng dalaga na kinahinga ng maluwang ng binata. "Maraming salamat buti andito ka pa." ani ng binata na kinataas ng kilay ng dalaga. "Dodoblehin mo ang sahod ko dito magiilang araw din akong absent sa trabaho nito." ani ng dalaga na kinatawa ng binata bago mag ok sign. "Papa dito ka lang ah babalik kami." ani ng batang babae na kinangiti ng binata. "Oo naman dito lang ako sige na ingat kayo." bilin ng binata bago halikan sa noo si Alex at tingnan si Allison na nakatingin sakanila. "Stay safe." "Kinikilabutan talaga ako sa ospital na ito pakiramdam ko ang daming palaging nakatingin." bulong ng dalaga habang naglalakad sa hallway hawak si Alex na kumakain ng lollipop. "Uuwi na kayo?" ani ng lalaki na kinalingon ni Allison. "Pabibihisin ko lang itong bata." ani ng dalaga na kinatingin ng binata kay Alex na kumikinang ang mata. "Ang pogi niyo po pero mas pogi pa din papa ko." ani ni Alex na kinangiwi ng dalaga ng tumawa ng mahina ang lalaki. "Mag iingat kayo at sana hayaan mong pasamahan kita sa isa sa mga tauhan ko." ani ng lalaki. "Uuwi lang kami sandali at babalik din hindi naman namin kailangan ng chaperon." sagot ng dalaga bago tumalikod at naglakad palabas ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD